Apat na katao ang patay kabilang ang suspek na nagbaril umano sa kaniyang sarili sa isang flag-raising ceremony sa Barangay Salitran, Dasmariñas, Cavite nitong Lunes, Mayo 26, 2025.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng flag-raising ng naturang barangay, bigla na lamang daw sumulpot ang suspek sa likurang bahagi ng mga opisyal ng barangay at saka nagpaputok ng baril.
Nasawi ang dalawang barangay kagawad na nasa edad 53 at 65-anyos at barangay chairman na 56 taong gulang. Nagawa pang maitakbo sa ospital ang mga biktima ngunit nalagutan din ng hininga.
Samantala, matapos ang pamamaril, ay nagbaril din sa sarili ang biktima na agad niyang ikinasawi.
Isang SK secretary naman ang naiulat ding malubhang sugatan na patuloy na ginagamot sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operative (SOCO), hinggil sa motibo ng nangyaring krimen.