May reaksiyon ang social media personality na si Valentine Rosales sa content creator na si Meiko Montefalco, na isiniwalat sa social media ang umano'y panloloko sa kaniya ng mister na si Patrick Bernardino.
Ayon kay Valentine, sa kaniyang Facebook post noong Mayo 24, halata naman daw na "forda content" lang ang mga ibinahagi ni Meiko na dapat daw ay nireresolba sa pribadong paraan.
"Kadiri na tong si Meiko sobrang Cringy ng eksena niya!!! Di ko kinakaya yung camera video placement! Naka front Cam pa! Naka ayos yung hair parang bagong plantsa and may make up kaya need gawin black and white filter teh? Much worst may background music pa!!" mababasa sa post ni Rosales.
"Proud pa siya na pinopost niya publicly yung things na dapat hinahandle privately. As a previous cloutchaser myself very halatang forda content lang yung patakbo niyang yan tapos malalaman ok na uli sila."
"Gusto niya lang talaga mag viral siya dahil bumababa na recently engagements impressions and reach ng contents niya. Kailangan i boost yung algorithm ! cge girl push mo yan kahit super halatang scripted yan may pamilya pero ilan beses ko to nakikita sa Gside naka standing table! Jusko girl hypocrito ka kung maka reklamo sa relationship kala mo napaka mahal na birhen ang atake pala mura pa! Nanay na yan pero 2am nasa gside padin nag sho-shot ng Cuervo nako kasuya ka!
Sa mga uto uto jan! Eto Ng context."
"Meiko:Lab, kunwari nag cheat ka tapos eto mga eksena natin. Tapos mag sosorry ka kunwari after 2 days tapos ok na tayo. Makakadami tayo ng views at shares ! Mag viral to at pwede pa ko ma guest sa toni talks lab pag ginawa natin to."
"Si Guy wala susunod lang. Edi ayun paldo si ate mo sa mga Mosang," dagdag pa niya.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Meiko tungkol sa mga birada sa kaniya ni Valentine.
KAUGNAY NA BALITA: Keri magbayad! Meiko, nagpapahanap ebidensya kontra umano'y naglokong asawa
KAUGNAY NA BALITA: Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!