May 28, 2025

Home BALITA

DILG Sec. Remulla, makikipag-ugnayan sa ICC para sa oath-taking ni FPRRD

DILG Sec. Remulla, makikipag-ugnayan sa ICC para sa oath-taking ni FPRRD
Photo courtesy: via MB, ICC/website

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na makikipag-ugnayan daw ang kanilang ahensya upang makapanumpa na si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.

Sa panayam ng media kay Remulla nitong Lunes, Mayo 26, 2025, kinumpirma ni Remulla ang kanila raw aksyon para sa nakabinbing panunumpa ng dating Pangulo.

“We recognize the victory of FPRRD, siya ang idineklara ng Comelec na mayor. Itinalaga siya, na-proclaim siya a day after elections-overwhelming mandate. So we recognize him as the mayor,” saad ni Remulla.

Dagdag pa niya, “Ang gagawin ko na lang ay magpapaalam ako sa ICC, kung pwedeng pumunta ang console natin para makapag-oath siya. Kasi kailangan makapag-oath siya to assume office.”

National

'The spirit of QUADCOMM lives on!!!' Rep. Luistro, flinex kasamang 'mentors'

MAKI-BALITA: FPRRD, di pwedeng mag-'work from Hague’ bilang mayor ng Davao City?

Muli ring iginiit ni Remulla na hindi pinapayagan ng pamahalaan na makapanumpa ang isang nanalong kandidato na hindi physically present—na sa estado ng dating Pangulo ay nananatili pa rin siya sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

“In his absence the Vice Mayor will be there, pero ang number one concern namin is makapag-oath siya as mayor. Kailangan physically present ka eh. So impacapacity na hindi siya makapagsilbi, ang vice mayor muna ang uupo doon. But we recognize former PRRD as duly elected mayor,” anang DILG secretary.