Nagbigay ng reaksiyon ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa pamamahiya umano ni Vice Ganda sa kaibigan nitong si MC Muah.
Matatandaang sa isang episode ng vlog ni Vice kamakailan ay kinompronta niya si MC dahil hindi umano marunong makisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan.
MAKI-BALITA: Vice Ganda nabuwisit kay MC: ‘Hindi marunong makisama!’
Kaya sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Mayo 26, sinabi ni Cristy na masyado raw siyang naapektuhan sa nangyari sa dalawang beki.
“Masyado akong naapektuhan para kay MC,’yong pagluha niya, ‘yong paghagulhol niya,” saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Alam ko kung ano ang nasa loob niya, e. Gusto niya talagang pagbigyan si Vice kung ano ang magustuhan dahil nasa laylayan siya ni Vice Ganda sa ‘Showtime.’”
Ayon kay Cristy, bagama’t gusto raw kontrahin ni MC ang mga sinabi ni Vice, hindi raw nito magawa dahil higit na mahalaga ang pangarap nito sa sarili at pamilya.