May 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Abogado ni Lotlot De Leon, umapela ng 'respect for privacy' para sa kliyente

Abogado ni Lotlot De Leon, umapela ng 'respect for privacy' para sa kliyente
Photo courtesy: Lotlot De Leon (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Lotlot De Leon ang opisyal na pahayag ng kaniyang legal counsel na kumakatawan sa kaniya sa legal na aspeto, at humihiling sa publiko na irespeto ang pribadong buhay ng kaniyang kliyente.

Ayon sa Estur & Associates Law Firm, Linggo, Mayo 25, sila ang kakatawan kay Lotlot partikular sa "recent events" na nagbigay ng "false light" at "malicious narratives" sa aktres, kaugnay sa pagkamatay ng kaniyang inang si National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor.

Nauunawaan daw nilang may "public interest" sa buhay ni Lotlot bilang isang artista subalit hinihiling nilang igalang ang privacy nito at magkaroon ng boundaries, lalo na kung may personal attacks na.

Gagawin daw nila ang lahat ng legal remedies upang maprotektahan ang karapatan ni Lotlot kung sakaling may patuloy pa ring sumira sa kaniyang reputasyon, sa kaniyang pamilya, at sa kaniyang namayapang ina.

Tsika at Intriga

Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid, inintrigang engaged na dahil sa video

Photo courtesy: Screenshot from Lotlot De Leon (IG)

Hindi naman tinukoy ni Lotlot kung may sasampolan na ba siyang kasuhan mula sa mga netizen o miyembro ng media dahil dito.