Tila nakapag-ambag umano ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa pagkawagi ni 2022 topnotcher Senator Robin Padilla.
Itinampok kasi ni Ogie si Robin sa kaniyang vlog noong Hulyo 2021 para sa two-part interview.
Ngunit depensa naman ng co-host ni Ogie na si Mama Loi sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, ilang milyon lang naman daw ang tagasubaybay ng showbiz insider kumpara sa kabuuang boto ni Robin.
“Hindi ko rin masisi ‘yong ibang tao kasi nadala sila, na-hook sila, na-endear sa kanila si Robin that time ‘di ba?” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, nauna raw niyang naging kaibigan si Robin bilang artista bago naging politiko.
At ngayong nasa Senado na ang aktor hindi naman sila magkaaway kahit magkaiba sila ng prinsipyo.
Matatandaang nakakuha ng 26,612,434 boto si Robin bilang senador noong 2022 elections. Hindi hamak na mas marami kumpara sa mga katunggali niyang matagal na sa politika.