Nausisa ang aktres na si Janice De Belen kung nagtatanim ba siya ng galit sa mga reporter na nagbabato sa kaniya ng hindi magagandang salita.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Mayo 24, sinabi ni Janice na bagama’t hindi raw siya nagagalit sa mga reporter, hindi rin naman daw siya nakikipagplastikan.
“Hindi ako plastik. Kung ako lang ‘yong ino-offend mo, dedma ako, e.But if you offend somebody I love—let say my mom or my dad—makita kita sa presscon, hindi kita papansinin,” saad ni Janice.”
Dagdag pa niya, “I did that couple of times.”
Nilinaw naman ng aktres na hindi raw niya ipinagmamalaking nagawa niya ang nasabing pandededma sa ibang reporter ngunit hindi raw talaga niya kayang makipagplastikan.
“Hindi ko kaya, e,” aniya.