May 24, 2025

Home BALITA

OTW to Hague? Sen. Bato, spotted na sa Europe!

OTW to Hague? Sen. Bato, spotted na sa Europe!
Photo courtesy: Ronald Bato Dela Rosa/FB

Naispatan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Europe—ilang araw matapos niyang ihayag ang balak na pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Mayo 24, 2025, ibinahagi ng senador ang kaniyang larawan na kuha raw sa isang bansa sa Europe.

“Malamig pa rin pala ngayon sa Europe,” ani Dela Rosa.

Matatandaang matapos maiproklama bilang senador noong Mayo 17, sinabi niyang magbabakasyon daw sila ng kaniyang pamilya at bibistihan ang kaalyadong si dating Pangulong Duterte na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

Matapos gipitin ng CCG: Pinsala sa research vessels ng BFAR, aabot daw ng milyong halaga

“Mag-try ako mag-apply ng Schengen visa. At kung bibigyan ako, tanungin ko sa ES Medialdea kung okay ba kung pumunta ako doon [ICC],” anang senador.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos manalo sa eleksyon, Sen. Bato, balak bisitahin si FPRRD sa The Hague

Isa si Dela Rosa sa mga matutunog na pangalang nakatakda umanong isunod ng ICC na arestuhin kaugnay ng naging madugong kampanya ni dating Pangulong Duterte kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD