Isang pamilya sa Bukidnon ang pinaniniwalaang minasaker matapos silang matagpuang patay sa loob ng sarili nilang tahanan.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang krimen noong Miyerkules ng gabi Mayo 21, 2025 ngunit natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng mga biktima noong Huwebes ng umaga, Mayo 22.
Kinilala ang mga biktima na si Jovany Andohan, 50, padre de pamilya; kaniyang asawang si Evangeline, 48 taong gulang; at kanilang binatang anak na 14 taong gulang.
Batay pa sa mga ulat, nagawang makatakbo ng dalawa pang anak ng mag-asawa na pawang 10 taong gulang at walong taong gulang na mga bata. Sinasabing sila raw ang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.
Narekober sa crime scene ang isang steel pipe at sledgehammer na ayon sa mga awtoridad ay posible raw ginamit laban sa mga biktima.
Ayon pa sa mga awtoridad nagtamo ng hataw sa ulo ang mga biktima at iba pang sugat sa kawatan.
Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek lalo pa't wala raw naiulat na nawawala sa bahay ng mga biktima.