June 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Giit ni Atty. Sal Panelo: Mga bumoto kina Bam, Kiko edukado!

Giit ni Atty. Sal Panelo: Mga bumoto kina Bam, Kiko edukado!
Photo courtesy: Screenshot from Bilyonaryo News Channel (TikTok)/Bam Aquino (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang naging pahayag ni Atty. Salvador Panelo hinggil sa pananaw niya kung bakit nanalo sa senatorial race sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Sa pagsalang ni Panelo sa programang "At the Forefront" ni Atty. Karen Jimeno sa Bilyonaryo News Channel noong Miyerkules, Mayo 21, sinabi ng dating chief presidential legal counsel na ang karamihan sa mga bumoto sa dalawa ay nasa henerasyong Millennials at Gen Zs.

"Sa tingin ko si Bam Aquino at si [Kiko] Pangilinan, kaya nakapasok 'yon, because of the Gen Z and Millennial voters. Because these are the people who are educated. In other words, they are knowledgeable and aware of what's happening in this country," paliwanag ni Panelo.

56% daw ng voting population sa nagdaang eleksyon ay nagmula sa dalawang nabanggit na henerasyon, na maituturing daw na more than half.

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Giit pa ni Panelo, in fairness naman daw ay wala namang record ng katiwalian ang dalawa, at ang tanging maituturing na "pagkakamali" ay tila pagpapakitang "righteous people" sila.

"In fairness [they] don't have a record of corruption. The only fault they have is they present themselves as the only righteous people in the world, among the political landscape," aniya pa.

Pumangalawa sa top 12 na nanalong senador si Aquino habang nasa panlima naman si Pangilinan.