June 14, 2025

Home BALITA Politics

Espiritu kay Barzaga: 'Nailagay ka sa pwesto kasi dinastiya ka!'

Espiritu kay Barzaga: 'Nailagay ka sa pwesto kasi dinastiya ka!'
Photo Courtesy: Luke Espiritu, Kiko Barzaga (FB)

Binoldyak ni labor leader Atty. Luke Espiritu ang istilo ng pangangampanya ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa katatapos lang na 2025 midterm elections.

Sa panayam kasi ng News 5 kay Barzaga ay sinagot niya ang mga kumuwestiyon sa tila weird niyang pagkatao.

“I think that being more eccentric and being more open to those new strategies will give me an edge over other politicians in the future,” saad ni Barzaga.

Pero sa latest Facebook post ni Espiritu nitong Sabado, Mayo 24, sinabi niyang hindi umano ang istilo ni Barzaga ang nagluklok sa sarili nito sa posisyon.

Politics

Atty. Princess Abante, dinepensahan mga paayuda ni HS Martin Romualdez

“Hindi ka nailagay sa pwesto dahil sa istilo mo, nailagay ka sa pwesto kasi dinastiya ka,” saad ni Espiritu.

Dagdag pa niya, “[I]to ang katotohanan kung bakit pwedeng magpakabaliw ang miyembro ng mga dinastiya—dahil nakakabaliw talaga ang rurok ng kapangyarihan lalo na't walang nakakahamon o nakakasita sa inyong panunungkulan.”

Matatandaang isa si Espiritu sa mga tumakbong senador na naglayong wakasan ang umiiral na political dynasty sa bansa kasama ang kapuwa niya rin labor leader na si Ka Leody De Guzman.

MAKI-BALITA: Political dynasty, puno't dulo ng problema sa Pilipinas —Ka Leody De Guzman

Ngunit bigo si Espiritu na makapasok sa Magic 12 ng senatorial race sa katatapos lang na halalan.