May 24, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!

Content creator, pinagpiyestahan sa pangongompronta sa umano'y nangaliwang asawa!
Photo courtesy: Meiko Montefalco, Patrick Bernardino (FB)

Nagulantang ang social media sa mga pasabog ng social media personality na si "Meiko Montefalco" matapos niyang isiwalat ang umano'y panloloko sa kaniya ng mister na si Patrick Bernardino.

Kalat at pinuputakti sa social media ang hayagang pangongompronta ni Meiko kay Patrick, na aniya, ay nagawang "sumalisi" sa umano'y kabit nito, habang siya ay nasa Boracay.

Direkta pang tinanong ni Meiko si Patrick kung "kinain" ba nito ang kiffy ng kabit, bagay na ikinaloka lalo ng mga netizen.

Paglilinaw ni Meiko, ginawa niya ang video recording sa naganap na komprontasyon upang magkaroon ng sapat na ebidensya laban sa asawa.

Tsika at Intriga

'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald

Hindi pala ito ang unang beses na may insidente ng umano'y cheating laban sa kaniya ang mister.

"I decided to record this confrontation to serve as my evidence. I was able to forgive before because I didn’t know anything," saad ni Meiko.

Ang masaklap, sa mismong wedding anniversary pa nila raw ay may naganap pa umano sa pagitan ng asawa at ng sinasabing other woman nito. 

Nakipagbalikan daw siya noon kay Patrick alang-alang sa kanilang anak upang hindi ito masira. Pero sa pagkakataong ito, tila hindi na raw palalagpasin ni Meiko ang lahat at hindi na babalikan ang mister.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang updates mula kay Meiko sa mga susunod niyang hakbang laban sa asawa.