June 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bianca naniniwalang dapat pagtibayin pagtuturo ng Filipino sa paaralan

Bianca naniniwalang dapat pagtibayin pagtuturo ng Filipino sa paaralan
Photo courtesy: via Balita/MB

Nagpahayag ng kaniyang paninindigan si "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" host Bianca Gonzalez-Intal na dapat pagtibayin pa ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga paaralan.

Kaugnay kasi ito sa naging challenge ng celebrity housemates para sa kanilang final duo medal, kung saan ilan sa kanila ang nahirapan sa pagsagot ng mga tanong, na ang hinihinging sagot ay nasa wikang Filipino.

Nag-trending nga ang salitang "Silangan" sa X dahil isa ito sa mga hindi masagot ng ilang housemates, na salin sa wikang Filipino ng "East."

Pahayag ni Bianca sa kaniyang X, "Ako'y naniniwala na dapat lalong pagtibayin at pahalagahan ang pagturo ng Filipino sa mga paaralan at sa sarili nating mga tahanan. #PBBCollabFinalDuoMedal."

Tsika at Intriga

Kathryn, Mayor Alcala naispatan na namang magkasama?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"True. Ang basic ng mga tanong bakit hirap na hirap sila."

"Yes to this. Kasi both Bianca and River answered East, tama naman hindi lang nila matranslate."

"Totoo po 'yan, noong nagturo po ako ng Filipino sa SHS, 'di po alam ng ibang bata kung ano po ang sanaysay. Taglish po ang gamit nila pag nagsusulat sila, lalo na po kung gagawa sila ng sanaysay."

"This should be an eye-opener @DepEd_PH. Ang lungkot na unifying language natin ay English instead na Wikang Filipino which is Tagalog. Every travel ko sa South or bisaya area, kailangan ko mag-english. Plus the superiority mindset na matalino kapag magaling mag-English."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol dito.