Nagkaroon ng matinding tensyon ang mga housemate sa pangalawang “Big Intensity Challenge” ni Kuya.
Sa ulat ng GMA News Online nitong Sabado, Mayo 24, nakasaad dito na ang naturang hamon umano ang magpapasya kung sino ang dalawa pang housemates ang makakatanggap ng immunity medals.
Ito ay matapos mapagtagumpayan nina Ralph De Leon at Shuvee Etrata ang unang hamon sa kanila ni Kuya.
Samantala, awtomatiko namang manonomina ang sampung housemates sa mga susunod na linggo at dalawa sa mga ito ay tuluyan nang mamamaalam.
Sa pagkakataong ito, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga tagasubaybay na bumoto ng mga nominadong housemate na dapat nang ma-evict.
Matatandaang sa mga nakalipas na linggo ay bumuboto lang ang mga manonood ng mga housemate na gusto nilang iligtas mula sa bingit ng eviction.