Kinubra na ng isa sa mga nanalo ng ₱22.4 milyong premyo ng Super Lotto 6/49 na binola noong Abril 29, 2025.
Ang naturang winner ay isang laborer sa Davao City at nahulaan niya ang winning numbers na 24-02-10-09-25-05, dahilan upang manalo ng kalahati ng ₱22,432,132.60.
Nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa isang mall sa Davao City.
Sa panayam ng lucky winner sa PCSO, ibinahagi niya na noon pang 2022 niya tinatayaan ang mga winning number. Base raw ito sa birth dates ng kaniyang pamilya.
Nang matanong kung paano gagamitin ang napanalunan: “Sa ngayon po hindi ko pa naiisip, kung ano ang gagawin ko sa aking napanalunan kaya pansamantala ipapasok ko muna [sa] bangko."
Ang Super Lotto 6/49 ay binobola kada Martes, Huwebes, at Sabado.