May 24, 2025

Home BALITA National

Bersamin tungkol sa patutsada ni Rodriguez: Kantyaw nang kantyaw

Bersamin tungkol sa patutsada ni Rodriguez: Kantyaw nang kantyaw
Photo courtesy: RTVM, Vic Rodriguez (screenshot)

Sinagot ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naging patutsada ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez kaugnay sa sinabi ng huli na kahit magpalit-palit pa ng cabinet secretary, si Pangulong Bongbong Marcos Jr. umano ang problema.

Matatandaang pinatutsadahan ni Rodriguez si Marcos matapos itong manawagan ng courtesy resignation sa mga miyembro ng gabinete. 

BASAHIN: Vic Rodriguez kay PBBM: 'Kahit magpalit-palit ka pa ng cabinet secretary, ang problema ikaw mismo'

BASAHIN: Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Sa isang press conference nitong Biyernes, Mayo 23, sinagot ni Bersamin ang patutsada ni Rodriguez. 

"Alam mo si Vic Rodriguez daldal nang daldal yan e. Will you listen to him? Why was he taken out of the office, wala pa siyang tatlong buwan. Gusto niya makipag-away? Wag na. Kantyaw lang siya e. Kantyaw nang kantyaw," anang executive secretary.

"That's when you see, in the middle of the night, a dog barking at the fence. If you want to get up, you get up and throw stones at that dog. But we will not do that to him. Huwag na nating pansinin," dagdag pa niya.

Samantala, pinangalanan din ni Bersamin ang mananatiling limang miyembro ng economic team ni Marcos.

BASAHIN: Economic team ni PBBM, mananatili sa puwesto—Bersamin