May 24, 2025

Home BALITA National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?
Photo courtesy: Chel Diokno/FB at MB file photo

Pumalag si Congressman-elect Atty. Chel Diokno matapos umanong madamay ang kaniyang pangalan sa mga nakatanggap umano ng confidential funds mula kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, diretsahan niyang tinawag na pawang “kawalang-hiyaan” na raw ang pagkakadawit umano ng kaniyang pangalan kasama si Kapuso artist Marian Rivera.

"Lahat na ba nasa listahan ng confidential funds?  Pati ba naman pangalan namin ni Ma’am Marian dinamay nila! Grabe ang kawalang-hiyaan!" ani Diokno sa caption.

Laman ng naturang FB post ang isang link ng isang lokal na pahayagang nagsasaad na kapuwa nakatanggap umano ng tinatayang P100k si Marian at Chel mula sa umano'y nakalkal na resibo sa imbestigasyon ng confidential funds ni VP Sara.

National

ES Lucas Bersamin, 'di sinibak bilang cabinet member

KAUGNAY NA BALITA: 405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

Matatandaang kamakailan lang ng makumpirmang isa si Diokno at Congresswoman-elect Leila de Lima sa mga uupong prosecutor para sa nakabinbing impeachment trial ng Bise Presidente kung saan isa sa mga inaasahang mauungkat ay ang umano'y maanomalya niyang paggamit ng confidential funds. 

KAUGNAY NA BALITA: Bukod kay De Lima: Diokno, uupong prosecutor sa impeachment ni VP Sara