May 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog
via Manila Bulletin

Isang bangkay ng lalaking walang ulo ang natagpuang palutang-lutang sa isang ilog malapit sa bahagi ng ilalim ng tulay sa San Rafael, Bulacan.

Ayon sa mga ulat, isang barangay tanod ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakasuot pa raw ng kumpletong damit kagaya ng itim na t-shirt, itim na pantalon at itim na rubber shoes.

Samantala, ayon naman sa Bulacan Provincial Police Office (PPO), noong Miyerkules, Mayo 21, 2025 nang matagpuan na nila ang nawawalang ulo ng biktima sa bahagi ng mga kawayan sa paligid pa rin ng ilog.

Sa kabila nito, hindi pa rin daw tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na kasalukuyan nang nasa punerarya na.

Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga

Nagkasa na ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang biktima at mapanagot ang mga salarin.

Nanawagan din ang mga awtoridad na agad na makipag-ugnayan sa kanila kung sakaling may maiulat na nawawalang kaanak ang mga residente malapit sa crime scene.