May 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz sa 'nagtutungayaw' na si Harry Roque: 'Matapang dahil nasa ibang lugar!'

Ogie Diaz sa 'nagtutungayaw' na si Harry Roque: 'Matapang dahil nasa ibang lugar!'
Photo courtesy: Ogie Diaz,Harry Roque (FB)

Nagkomento ang batikang showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang video at ulat tungkol kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, habang nasa The Hague, Netherlands at umaalma sa sinasabing ipaaaresto na siya ng pamahalaan kaugnay sa sa kasong umano'y koneksyon niya bilang legal counsel sa isang hub ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pampanga.

Sa video, giit ni Roque ay nasa labas lamang siya ng International Criminal Court (ICC) Detention Center sa Netherlands kung saan nakadetine si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.

Para kay Roque, ang planong pag-aresto raw sa kaniya ay isang porma na naman ng korupsyon dahil sa pondong makukuha umano rito.

Hindi rin daw puwedeng magpunta ang mga awtoridad mula sa Pilipinas para arestuhin siya dahil baka sila raw ang makulong, lalo na't gumugulong pa ang kaniyang asylum application.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Ibinahagi naman ni Ogie sa kaniyang Facebook post ang ulat tungkol dito at kinomentuhan.

"Juice ko, ang lola nyo, nagtutungayaw doon. Matapang dahil nasa ibang lugar. Umuwi ka kasi dito para idepensa mo ang sarili mo kung wala ka talagang kasalanan, ateng. Kalokah," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (FB)

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Roque tungkol sa pasaring ni Diaz.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, naghahanda nang ipaaresto si Roque sa Interpol