May 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadine Lustre nagsampa ng reklamo sa mga malisyosong pag-atake sa socmed

Nadine Lustre nagsampa ng reklamo sa mga malisyosong pag-atake sa socmed
Photo courtesy: Leila De Lima (FB)

Nagsampa ng kaso ng paglabag sa Safe Spaces Act ang aktres na si Nadine Lustre, kaugnay sa mga insidente ng "relentless and malicious attacks" laban sa kaniya sa social media.

Suportado naman ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list first nominee Atty. De Lima ang hakbang na ito ni Lustre, na naging tagasuporta rin ng nabanggit na partido.

"We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured," mababasa sa opisyal na pahayag ng partido, na makikita rin sa Facebook account ni De Lima.

"This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Ginagamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira."

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

"We believe in freedom of expression. Pero ang kalayaang ito ay hindi dapat gamitin laban sa katotohanan, dignidad, at demokrasya. Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice."

"Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon. These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig."

"We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin."

"Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan," saad pa sa pahayag.