Suportado ng Mamamayang Liberal (ML) party-list at ng first nominee nitong si Atty. Leila De Lima ang legal na hakbang na isinagawa ng aktres na si Nadine Lustre laban sa mga netizen na lumabag sa "Safe Space Act" sa kanilang "relentless and malicious attacks" laban sa kaniya.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang partido na inendorso kamakailan ni Lustre sa 2025 National and Local Elections.
"We at ML Partylist express full support for Nadine Lustre as she files a complaint for violation of the Safe Spaces Act in response to the relentless and malicious attacks she has endured," mababasa sa opisyal na pahayag ng partido, na makikita rin sa Facebook account ni De Lima.
"This is a necessary step in a time when social media is being used to silence voices that speak for justice and reform. Ginagamit ang mga plataporma para buwagin ang makabuluhang diskurso at palitan ito ng galit at paninira."
"We believe in freedom of expression. Pero ang kalayaang ito ay hindi dapat gamitin laban sa katotohanan, dignidad, at demokrasya. Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice."
"Marami sa mga lumalabas sa social media ngayon ay hindi maituturing na opinyon. These are part of deliberate effort to harass, discredit, and instill fear. May masamang intensyon. May malinaw na layunin na patahimikin ang mga tumitindig."
"We support Nadine. Her case is a stand for truth and accountability. Make no mistake: we will push back against this kind of behavior. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi ito dapat palampasin."
"Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan," saad pa sa pahayag.
KAUGNAY NA BALITA: Nadine Lustre nagsampa ng reklamo sa mga malisyosong pag-atake sa socmed