Tila naaliw ang aktres na si Sofia Andres sa isang komento ng netizen na ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin daw ang hinahanap na "Personal Assistant" niya.
Matatandaang naging usap-usapan ang paghahanap ng aktres ng PA na may mga espesipikong katangiang kailangang taglayin bago ma-hire.
Mababasa sa Instagram story ni Sofia, "Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule)."
"Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to 'I forgot.' Think that's you? Slide into the inbox-applications open, excuses closed."
Sa ibaba ay ibinigay naman ni Sofia ang kaniyang email address na puwedeng pagpadalhan ng resume ng aplikante.
Pinag-usapan ng mga netizen ang tungkol dito sa social media platform na "Reddit."
"Lol. AI ata gusto ni Sofia?" caption ng nag-post dito.
"The job description is soo vague. Grabe ha," segunda naman ng isa.
"Ang OA. Nakapag pangasawa lang ng mayaman kala mo na sinong importante eh," sundot naman ng isa.
"Isn't she being sarcastic though?" tanong naman ng isa pa.
"Wizzard ata kailangan nya...." anang isa pa.
Ilang netizens naman din ang nagtanggol sa aktres.
"Masyado n'yo naman niliteral hehe, baka figures of speech lang."
"That's how I read it din naman. Tipong need ng PA na ka-vibe nya. Sa sweldo nalang magkakatalo."
"Ano nangyayare kay ate sofiaaaa hahahaha feel ko nagjjoke lang sya kase if legit yan… NAKAKALOKA."
"It sounds like she was trying to be funny or ganito talaga humor niya..."
"I think she was just playing with words. Do not take it too literally naman! Hahaha."
"No hate here but I think Sofia is just lowkey making the hiring description as a sarcastic joke… I mean it’s kinda funny when u read it. As someone who is lutang and has a chaotic mind, it’s relatable (if it’s meant to be funny) hahahaha."
Samantala, ibinahagi naman ni Sofia ang screenshot ng isang Facebook page na "pumatol" at nagsabing baka si Rudy na nga ang hinahanap niya, na hindi lang daw isip niya ang puwedeng basahin kundi pati mga mangyayari sa buong Pilipinas.

KAUGNAY NA BALITA: Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya