May 21, 2025

Home BALITA National

Sen. Grace Poe, at iba pa dumalaw sa puntod ni Susan Roces

Sen. Grace Poe, at iba pa dumalaw sa puntod ni Susan Roces
Photo courtesy: Grace Poe (FB)

Ibinahagi ni Sen. Grace Poe ang pagdalaw nila ng anak na si FPJ Panday Bayanihan party-list Rep. Brian Poe Llamanzares sa puntod ng pumanaw na inang si Susan Roces sa Manila North Cemetery, Martes, Mayo 20.

Nagsadya ang senadora at anak gayundin ang ilang mga kaanak at tagahanga ng isa sa mga itinuturing na reyna ng Philippine cinema dahil sa ikatlong death anniversary nito.

"Tatlong taon na ang nakalipas at kahit na kami’y nangungulila sa'yo, nadarama pa rin namin na hindi mo kami pinababayaan. I miss and love you so much," mababasa sa simpleng caption ng Facebook post ng senador tungkol dito.

Naispatan din sa nabanggit na pagtitipon ang beteranang aktres na si Nova Villa.

National

Sen. JV, nag-react na bukas si PBBM sa reconciliation sa mga Duterte

Sumakabilang-buhay si Roces noong Mayo 20, 2022 dahil sa heart failure. Kinamatayan niya ang kinabibilangang seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na tumagal ng pitong taon.