May 21, 2025

Home BALITA Eleksyon

Philip Salvador, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya: 'Tuloy ang malasakit!'

Philip Salvador, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya: 'Tuloy ang malasakit!'
Photo courtesy: Unofficial Philip Salvador (FB)

Nagpasalamat si PDP-Laban Vice President for Luzon Philip Salvador sa lahat ng mga botanteng Pilipinong nagpakita ng suporta at bumoto sa kaniya sa nagdaang halalan, gayundin sa mga kasama niya sa "DuterTEN."

Bukod sa kaniya, pinasalamatan din niya ang mga Pilipinong bumoto para kay Sen. Bong Go, na ginawa raw nilang numero unong senator-elect.

"Ako po ay Lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta sa akin, lalong lalo na po na ginawa ninyong number 1 aking kaibigan na si Senator Bong Go," wika ni Salvador.

Hindi man daw pinalad, ipagpapatuloy raw niya ang serbisyong may malasakit sa publiko, lalo na sa mga kababayang hikahos at nasa laylayan, sa abot daw ng kaniyang makakaya.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

"Umasa din po kayo na ako ay patuloy na na tutulong sa abot ng aking makakaya at sasamahan ang aking kaibigan sa kanyang pagbibigay ng Malasakit at more serbisyo po para sa sambayanang Pilipino," aniya pa.