May 21, 2025

Home BALITA Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go
Photo courtesy: PDP-Laban (FB)

Matapos magpasalamat sa mga bumoto sa kaniya at sa mga kasamang kandidato sa "DuterTEN," nagpasalamat din sa sambayanang Pilipino si Philip Salvador matapos daw gawing number 1 ang matalik na kaibigang si Sen. Bong Go.

"Ako po ay Lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta sa akin, lalong lalo na po na ginawa ninyong number 1 aking kaibigan na si Senator Bong Go," wika ni Salvador.

Hindi man daw pinalad, ipagpapatuloy raw niya ang serbisyong may malasakit sa publiko, lalo na sa mga kababayang hikahos at nasa laylayan, sa abot daw ng kaniyang makakaya.

"Umasa din po kayo na ako ay patuloy na na tutulong sa abot ng aking makakaya at sasamahan ang aking kaibigan sa kanyang pagbibigay ng Malasakit at more serbisyo po para sa sambayanang Pilipino," aniya pa.

Eleksyon

Philip Salvador, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya: 'Tuloy ang malasakit!'

Matatandang nanguna si Go sa senatorial race na nakakuha ng 27,121,073 votes.