May 20, 2025

Home BALITA National

From ₱5K to ₱5M? Negosyante sa Cainta, kumubra ng ₱5.94M premyo sa PCSO

From ₱5K to ₱5M? Negosyante sa Cainta, kumubra ng ₱5.94M premyo sa PCSO
(PCSO)

Kumubra ng ₱5.9 milyong premyo ang isang 57-anyos na negosyante mula sa Cainta sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

"As a lotto enthusiast for over 30 years, the lucky winner used the System 9 play and advance draw feature, with a ticket worth ₱5,040.00, to secure the prize," saad ng PCSO kamakailan. 

Napanalunan ng negosyante ang ₱5,940,000 Lotto 6/42 jackpot prize dahil sa winning combination na 38-41-29-06-16-25 na binola noong Abril 10, 2025. 

“Halos araw-araw ako naglalaro ng lotto. Satisfaction ko na ang pag-anticipate kung nanalo ba ako o hindi. Kung hindi naman, naniniwala ako na ang aking ipinanglaro ay mapupunta sa pagtulong sa ating mga kababayan,” saad ng lone bettor nang kumubra ng premyo. 

National

Sen. JV, nag-react na bukas si PBBM sa reconciliation sa mga Duterte

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.