May 18, 2025

Home BALITA Politics

Thanksgiving party ng Alyansa, dinedma ng mga pambato! Sen. Lapid, nag-iisang sumipot

Thanksgiving party ng Alyansa, dinedma ng mga pambato! Sen. Lapid, nag-iisang sumipot
Photo courtesy; Contributed photo

Tanging si Senador Lito Lapid lang ang sumipot sa thanksgiving party na ikinasa ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Sabado, Mayo 17, 2025.

Ayon sa mga ulat, ginanap ang nasabing selebrasyon sa headquarters ng Alyansa sa Mandaluyong City kung saan tanging si Sen. Lapid lang ang naispatang sumipot.

Matatandaang anim sa mga pambato ng Alyansa ang nagawang pumasok sa magic 12 kabilang sina Senators-elect Pia Cayetano, Camille Villar, Tito Sotto III, Panfilo Lacson and Erwin Tulfo.

Nagpasalamat din si Lapid sa naitulong umano ng Alyansa matapos siyang makapasok sa ika-11 puwesto at makakuha ng mahigit 13 milyong boto.

Politics

Pulong, balak itapat ni VP Sara kay Romualdez sa House Speakership?

“Maraming, maraming salamat sa inyong tulong. Mabuhay kayong lahat,” ani Lapid.

Dumalo rin sa naturang selebrasyon sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at campaign manager na si Navotas Rep. Toby Tiangco na kamakailan lang ay nagpahayag tungkol umano sa paninisi sa kaniya ng kanilang mga kapartido bunsod ng mababang supota na kanilang nakuha mula sa Mindanao noong nakaraang eleksyon.

KAUGNAY NA BALITA: Toby, sinisi umano ng Alyansa; nagpakana ng impeachment ni VP Sara, sinisi naman niya

Isang mensahe naman ang iniwan ng Pangulo patungkol sa pag-iisantabi ng usapin daw sa politika ngayong tapos na ang eleksyon.

“We all wish we had better results but, you know, we live to fight another day. At now it's time, I think, to put all the politics aside,” anang Pangulo.