June 08, 2025

Home BALITA National

Giit ni HS Romualdez sa bentahan ng ₱20 na bigas: 'The beginning of a national transformation!'

Giit ni HS Romualdez sa bentahan ng ₱20 na bigas: 'The beginning of a national transformation!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Martin Romualdez sa muling pagsisimula ng bentahan ng ₱20 na bigas sa ilang Kadiwa market sa bansa.

Sa kaniyang pahayag nitong Linggo, Mayo 18, 2025, iginiit ni Romualdez na ito na raw ang simula ng pagbabago.

“This is not a one-time rollout. This is the beginning of a national transformation. President Marcos is showing us that with political will and smart budgeting, ₱20/kilo rice is not just possible—it’s happening,” anang House Speaker.

Matatandaang noong Mayo 13 nang muling ibalik ang pagbebenta ng ₱20 na bigas matapos itong ipagbawal ng Commission on Elections (Comelec) bunsod umano ng posibilidad na mapolitika lamang ang naturang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

National

50% ng mga Pilipino, aminadong naghihirap pa rin—SWS

Iginiit din ng House Speaker na susubukan nilang palawakin pa ang mga benepisyaryong maaari pang makabili ng murang halaga ng bansa. 

“We will also consider tapping AKAP and other targeted subsidy programs as complementary channels to reach the near-poor and vulnerable,” ani Romualdez.

Sa kasalukuyan, tanging mga miyembro pa lamang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), person with disability (PWDs), solo parents at senior citizens ang pasok na makinabang sa nasabing programa.

Dagdag pa ni Romualdez, “No Filipino should go hungry when our farmers are ready to feed the nation. ₱20/kilo rice is not a fantasy—it’s a question of priority. And it is a top priority under this administration.”