Ibinahagi ng actress-model na si Ellen Adarna for the first time ang mga larawan ng baby girl nila ng mister na si Derek Ramsay, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.
"Lili’s first photoshoot with @cocoonstudioph truly the best baby whisperers ever! Here’s to many more!"
"Lili at 12 days Old ," aniya.
Marami naman sa mga netizen ang gandang-ganda at cute na cute kay Baby Lili, na kuhang-kuha raw mula kay Ellen ang kaniyang features.
Noong Oktubre 2024 ay nanganak na si Ellen subalit hindi muna nila ipinakita sa social media ang mukha ng kanilang little girl.
MAKI-BALITA: Ellen Adarna, nanganak na!