May 19, 2025

Home BALITA National

Cynthia Villar, nasaksihan bilang ina pagsisilbi ni Camille Villar sa bayan

Cynthia Villar, nasaksihan bilang ina pagsisilbi ni Camille Villar sa bayan
Photo courtesy: Cynthia Villar, Manny Villar (FB)

Kung proud ang mister na si dating senador at business magnate Manny Villar, proud din si outgoing Sen. Cynthia Villar sa anak na bagong halal na senador na si Sen. Camille Villar, na naproklama na noong Sabado, Mayo 17, na ginanap sa Manila Hotel Tent City sa Maynila.

Si Sen. Camille ang lumalabas na "successor" ni Sen. Cynthia, na bigo namang manalo sa congressional race ng Lone District of Las Piñas matapos manalo ni Councilor Mark Anthony Santos.

"Nasaksihan ko, bilang ina, ang sipag, sakripisyo, at dedikasyon ni Camille sa pagsisilbi sa ating bayan. I'm proud of what she has achieved," anang outgoing Sen. Villar, sa kaniyang Facebook post.

"Batid ko kung gaano kabigat ang responsibilidad ng isang lider, pero alam kong buo ang kanyang puso at may tunay na malasakit sa lahat."

National

Giit ni HS Romualdez sa bentahan ng ₱20 na bigas: 'The beginning of a national transformation!'

"Kaya’t salamat po sa muling pagbibigay ng pagkakataon para maipagpatuloy niya ang kanyang serbisyo para sa inyo," aniya pa.

Makakasama ni Camille sa Senado ang kapatid na si Sen. Mark Villar na nahalal naman noong 2022.

KAUGNAY NA BALITA: Manny Villar sa anak na si Sen. Camille Villar: 'I'm beyond proud of you!'