Nag-post si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang Facebook page bilang pagbati sa kaarawan ng kaniyang bunsong anak na si William Vincent Marcos nitong Sabado, Mayo 17.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si PBBM ng ilang mga larawan nila ni Vincent, mula nang maliit pa ito hanggang sa kasalukuyan.
“Happy birthday, son. Your mum and I send you all our love today,” mensahe ng pangulo sa kay Vincent na nagdiriwang ng 28th birthday.
“The light and laughter you bring into our lives are felt in ways words can never fully capture.”
Ipinaabot din ni PBBM kung gaano raw nagsisilbing “blessing” ang kaniyang bunso sa kanilang pamilya.
“You are a blessing to our family. May you carry that same light into the lives of others as you chart your own path,” saad ni PBBM. “We love you, forever!”
Si PBBM at First Lady Liza Araneta-Marcos ay mayroong tatlong anak: si Ilocos Norte first district Rep. Sandro, si Joseph Simon Marcos, at si Vincent.