May 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Yen Santos nagsalita na, may ibinunyag na 'something personal'

Yen Santos nagsalita na, may ibinunyag na 'something personal'
Photo courtesy: Yen Santos (IG)

Nagbukas ng kaniyang sarili ang aktres na si Yen Santos tungkol sa "something personal" niya, na mababasa sa Instagram post niya noong Biyernes, Mayo 16.

Ito ay tungkol sa kaniyang "weight loss journey" at kung paano nakaapekto sa kaniyang self-confidence ang pagdagdag ng timbang.

"Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror. I just didn’t like what I saw. Nothing fit anymore! and the frustration started to weigh heavier than the actual weight," aniya.

Ginawa na raw niya ang pagda-diet at workout subalit tila wala raw nangyayari. Kaya naman, kumonsulta na siya sa espesyalista, kaya naman sa muli niyang pagbabalik-acting, talaga namang slim na siya, dahil na rin sa naipayo sa kaniya ng mga doktor na kinonsulta niya.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

"Grabe! first week pa lang, I lost 3 kgs agad! Since then, I’ve just been feeling better and better. From 72 kilos to 51 kgs in 2 months, and more importantly, I’ve found the confidence I lost along the way," aniya pa.

"It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people," pagbabahagi pa niya.

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang kaniyang larawang nauna nang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kira Balinger.

Napansin ng mga netizen na tila nag-gain weight si Yen at may mga nagbigay pa ng espekulasyong baka nagbuntis daw ito, bagay na hindi naman sinagot ni Yen kung totoo ba o fake news.

Noong Mayo 10, ibinahagi ni Yen ang isang larawan kung saan makikita siya sa isang monitor, hudyat na mukhang balik-trabaho na siya sa pag-arte.

KAUGNAY NA BALITA: Yen Santos, balik-trabaho na: 'The joy of being back!'

Sumailalim sa showbiz hiatus si Yen matapos ang kontrobersiya sa relasyon nila ng Kapuso actor na si Paolo Contis.