May 17, 2025

Home BALITA National

VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'

VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nagkomento si Vice President Duterte sa nakabinbing impeachment trial sa Senado laban sa kaniya. 

Sa panayam ng media sa Bise Presidente nitong Sabado, Mayo 17, 2025, iginiit niyang gusto niya raw ng isang madugong paglilitis.

"Lawyers, okay naman sila, in full throttle yung kanilang preparations sa impeachment. And, of course, they do not want a trial. As lawyers, alam naman natin ang galawan ng mga abugado. Madami silang paraan sa batas as a legal recourse for their clients," anang Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa niya, "Sinabihan ko na rin talaga sila. I truly want a trial because I want a bloodbath talaga."

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Matatandaang noong Disyembre 2024 ng magsunod-sunod ang impeachment cases laban kay VP Sara habang noong Pebrero 2025 naman nang tuluyan siyang ma-impeach sa House of Representatives sa botong 215 sa pangunguna ni Ilocos Norte 1st Rep. Sandro Marcos.

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte

KAUGNAY NA BALITA: Sandro Marcos, unang pumirma sa impeachment complaint vs VP Sara

Inaasahang sa buwan ng Hulyo pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo magsisimula ang tuloy-tuloy na pag-usad ng impeachment ni VP Sara sa Senado, batay sa kumpirmasyon noon ni Senate President Chiz Escudero. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz