Nakakaloka ang simpleng anniversary Facebook post ng social media personality na si Toni Fowler para sa third anniversary nila ng partner na si Vince Flores.
Ayon kay Toni, tatlong taon na raw nagkaroon ng "K" o karapatan si Tito Vince na "wasakin" siya kahit kailan at kahit saan, nakakaloka!
Siyempre, ibang "wasak" ang ibig sabihin ni Toni rito at hindi ang tipong sinaktan ang kaniyang puso.
"Tatlong taon na mula ng nagkaron ka ng karapatan wasakin ako anytime anywhere na gusto mo ," sey ni Toni, kalakip ang dalawang larawan nila ni Vince.
"Happy 3rd anniversary sa relasyon nating puro cantoughtan " aniya pa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"HAHAHA MGA GANYANG CAPTION SANA"
"LARO SA CAPTION hahahaha."
"sana all winawasak hahaha."
"Wasak na wasak ka na ba Mommy Oni hahaha."
"Mukhang magaling mangwasak si Tito Vince hahah."
"Wasak na wasak ang poohkey ni Junjun Asak!"
"Di ko kinaya ang caption ahahhha"
Matatandang bago mag-endgame kay Vince ay naging kontrobersiyal muna ang mga naging dating relasyon ni Toni sa mga ex niya, kagaya na lamang kay Rob Moya.