June 15, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan
Photo courtesy: Pexels

Namarill, nagnakaw at nanaksak sa pasugalan ang isang lalaking natalo umano sa sugal sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa mga ulat, nabokya sa E-bingo ang lalaki na mismong motibo ng krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na naunang atakihin ng suspek ang security guard ng pasugalan matapos niya itong pagsasaksakin. Matapos nito, dinekwat ng suspek ang baril sa sekyu at saka binaril ang cashier ng naturang pasugalan.

Nilimas ng suspek ang lahat ng pera sa mula sa cashier at saka tumakas sa crime scene. 

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Sa panayam ng media sa mga awtoridad, regular na customer na raw ang suspek sa naturang pasugalan. Nasa polisiya rin daw ng pasugalan ang paghingi ng kopya ng Valid ID ng kanilang mga manlalaro—dahilan upang matukoy ang pagkakakilalan ng suspek at iba pang impormasyon upang siya ay makalaboso ng pulisya.

Samantala, narekober naman sa isang bakanteng lote ang patalim na kaniyang ginamit sa krimen. Nabawi rin at naisauli na rin daw ang pera na kaniyang ninakaw mula sa pasugalan bagama't ito ay nasa kalahati na lang ng halaga ng kaniyang nilimas.

Wala namang naiulat na nasawi sa aksidente at kasalukuyan ng nagpapagaling sa ospital ang dalawang biktima. Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder at robbery.