Natanong ang resident showbiz news presenter ng "24 Oras" ng GMA Network na si Iya Villania kung ano ang maipapayo niya sa mga babaeng hirap magbuntis.
Isang netizen ang nagtanong kay Iya kung ano ang advice niya sa mga babaeng nahihirapang magbuntis.
"Ano pong mabigay mong advice sa mga hirap mag buntis like me?" mababasa sa tanong ng netizen.
Sagot naman ni Iya, "To not pressure yourself and to remember that having babies doesn't define who you are. Enjoy the chapter you're in and find peace in God's will and perfect timing that even in the season of waiting, you are being used, changes and molded and your heart is being prepared for something beautiful... whatever that may be for you," aniya.

Kamakailan lamang ay ibinahagi naman ng kaniyang mister na si Kapuso TV host Drew Arellano ang pagsasailalim niya sa vasectomy.