June 09, 2025

Home BALITA Politics

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Inalmahan ni Quadcomm Chairman at Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers ang naging pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco hinggil sa epekto ng impeachment laban kay VP Sara sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. 

Sa kaniyang pahayag nitong Sabado, May 17, 2025, tahasan niyang iginiit na "misleading" ang pananaw ni Tiangco sa sentimyento raw ng mga botante sa Mindanao.

"[It's] misleading and detached from the real sentiment of Mindanaoan voters," ani Barbers. 

Iginiit din niya na na 36 mula sa 44 mga mambabatas sa Mindanao na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara ang nagawa pa ring manalo sa nakaraang eleksyon.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

"Thirty-six out of 44 Mindanao lawmakers who signed the impeachment complaint were elected. That's a clear 81.81% win rate. If the impeachment was such a political liability, we would've been wiped out in our own districts. But we were not-we were overwhelmingly returned to office," aniya.

Matatandaang kamakailan lang nang maglabas ng pahayag si Tiangco na siya ring campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na nagkakaroon na umano ng sisihan sa panig ng kanilang partido matapos silang tumagilid sa rehiyon ng Mindanao.

KAUGNAY NA BALITA:  Toby, sinisi umano ng Alyansa; nagpakana ng impeachment ni VP Sara, sinisi naman niya

Giit ni Tiangco, naniniwala umano siyang may kinalaman ang pagsusulong ng impeachment sa pag-ayaw umano ng mga botante sa kanilang partido. 

KAUGNAY NA BALITA: Pagpupumilit sa impeachment ni VP Sara, ikinatalo ng Alyansa sa eleksyon—Tiangco

Dagdag pa ni Barbers, "Let's be honest-voters are smarter than we give them credit for. They didn't vote based on who defended or attacked a Duterte. They voted for local leaders who delivered, who stood their ground, and who worked with integrity," saad ni Barbers.

Lima mula sa 10 pambato ng Alyansa ang lumusot sa magic 12 kabilang sina Senator-elect Erwin Tulfo, Lito Lapid. Ping Lacson, Tito Sotto at Pia Cayetano. 

Saad pa ni Barbers, naipapanalo raw ang kandidatura ng sa Senado sa pamamagitan ng political machineries at hindi sa pamamagitan nang pag-iwas sa kritisismo.

"Senate campaigns are won with messages, and momentum—not by shielding sacred cows from scrutiny. If some candidates underperformed, it was because we didn't connect enough at the national level, not because we fought for truth and transparency," saad ni Barbers.