Yumanig ang isang 5.2-magnitude na lindol sa lalawigan ng Negros Occidental dakong 8:33 ng umaga nitong Sabado, Mayo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 48 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng City of Sipalay, Negros Occidental, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - Anini'y, ANTIQUE; Argao City, CEBU; CITY OF ILOILO; La Carlota City, NEGROS OCCIDENTAL
Intensity I - Culasi at San Jose City, ANTIQUE; City of Roxas, CAPIZ; Nueva Valencia, GUIMARAS; City of Passi , ILOILO
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.