Nagkasama sina social activist Teddy Casiño, dating Commission on Audit (COA) commissioner Heidi Mendoza, at labor leader Luke Espiritu sa isang event nitong Biyernes, Mayo 16, ilang araw matapos ang 2025 midterm elections.
Sa isang X post, nagbahagi si Casiño ng masayang larawan kasama sina Mendoza at Espiritu.
“Maybe next time,” saad ng social activies kasama ang hashtag na #fighting.
Pare-parehong hindi pinalad na makapasok sa magic 12 sina Casiño, Mendoza, at Espiritu sa nagdaang eleksyong isinagawa noong Lunes, Mayo 12.
Base sa tally ng Commission on Elections (Comelec), nasa ika-21 na puwesto si Mendoza na nakakuha ng mahigit 8 milyong boto; nasa rank 29 si Espiritu na may mahigit 6 milyong boto, habang nasa ika-32 na puwesto si Casiño na nakatanggap naman ng mahigit 4 milyong boto.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Final senatorial, party-list ranking sa 2025 midterm elections