May 16, 2025

Home BALITA National

DA, nanindigang 'fit for human consumption' ang ₱20 na bigas sa kadiwa market

DA, nanindigang 'fit for human consumption' ang ₱20 na bigas sa kadiwa market
Photo courtesy: Manila Bulletin

Muling iginiit ng Department Agriculture (DA) na ligtas daw para sa kalusugan ng tao ang ibinebenta nilang ₱20 na bigas.

Sa panayam ng Teleradyo kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, nanindigan siyang maayos at may kalidad ang ibinebentang ,urang bigas sa mga kadiwa market.

“Maganda po yung quality ng ating bigas. Kung ano po yung nabibili natin previously dito sa ating P29 na bigas, ayun din po 'yung binebenta natin ng ₱20,” ani Guevarra.

Dumadaan din daw sa quality control ang mga bigas bago nila ito ibagsak sa mga piling kadiwa market para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), senior citizens, solo parents at person with disability (PWDs).

National

Liderato ng Kamara, posible pa ring pamunuan ni Romualdez—Solon

“Bago po ito lumabas sa NFA, chine-check din po ito at tintingnan ng NFA, may quality control din po sila dito. At ine-ensure din po nila na yung atin pong mga bigas na ibebenta dito sa programa ay very much fit for human consumption,” aniya. 

Kasalukuyang mayroong 32 kadiwa stores na nagbebenta ng ₱20 na bigas sa Metro Manila at karatig na lalawigan ng Rizal habang nagsimula na rin ang pagbebenta nito sa Cebu. Nakatakda na rin daw itong magbukas sa ilan pang probinsya sa Visayas katulad ng Bohol. Southern Leyte at Siquijor.