Iginiit ng social media personality at singer na si Rhaila Tomakin na "friends" lamang sila ng celebrity basketball player na si Kobe Paras, sa panayam sa kaniya ng media.
Matatandaang noong Abril, naging usap-usapan ang mga kumalat na larawan ni Kobe kasama ang isang babaeng ka-holding hands habang nasa isang airport, para sa bakasyon nila sa Bali, Indonesia.
Natunton ng mga netizen kung sino ang nabanggit na "mystery girl," at napag-alaman daw na si Rhaila ito, batay rin sa ipinost niyang larawan na tila kapareho ng background sa sa ibinahaging Instagram story ni Kobe.
MAKI-BALITA: Hindi si Kyline? Pic daw ni Kobe na may ka-holding hands sa Bali, inintriga
MAKI-BALITA: 'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens
Nangyari ang lahat ng ito matapos ang napabalita namang hiwalayan nina Kobe at Kapuso actress Kyline Alcantara.
Anyway, saad ni Rhaila, wala raw silang relasyon ni Kobe at hindi raw siya third party kung bakit naghiwalay sina Kobe at Kyline.
Nang matanong naman si Rhaila kung may posibilidad na magustuhan niya si Kobe kung sakaling manligaw sa kaniya, sinabi niyang wala raw siya sa posisyon para magsabi ng "No," dahil ang mangyayari daw ay "God's will." Sa ngayon daw, nakapokus muna siya sa career at pag-aaral.
Nang matanong naman kung in a relationship siya ngayon, sinabi niyang single siya at ready to mingle.