May 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens
Photo courtesy: ABS-CBN

Matapos mag-concede sa pagkatalo bilang kandidato sa pagka-vice governor ng Batangas, nagtanong si Kapamilya TV host Luis Manzano sa mga netizen kung alin sa game shows niya ang bet nilang ibalik.

"Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow rumble, deal or no deal , or minute to win it ?" aniya, na pawang mga nagtapos na game show na naging TV host si Luis.

Kani-kaniya namang sagot ang mga netizen na nasasabik nang mapanood ulit si Luis, na bago sumabak sa politika, ay nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN kaya tiyak na may babalikan pa siyang trabaho matapos matalo sa eleksyon.

Samantala, sa kaniyang Facebook post naman ay maluwag sa dibdib na tinanggap niya ang pagkatalo sa naganap na halalan.

Tsika at Intriga

Rhaila Tomakin, nagsalita na tungkol sa kanila ni Kobe Paras

"Mga kababayan kong Batangueño,"

"Hindi man tayo pinalad sa resulta ng halalan, panalo pa rin ako, dahil sa inyo," aniya.

"Sa bawat ngiti, kwento, at yakap na ibinahagi n’yo sa kampanya, mas naramdaman ko ang tibok ng puso ng Batangas. Mas napalapit ako sa inyo. Mas nakilala ko kayo, at iyon ay habang buhay kong babaunin."

"Salamat sa mga supporters, sa pamilya ko, at higit sa lahat, sa Diyos na naging gabay sa buong laban."

"Masigla at napakasaya ng kampanya dahil nakasama ko kayo. At kahit tapos na ang eleksyon, ito ay umpisa pa lamang ng matagal pa nating pagsasamahan."

"Hanggang sa muli. Maraming salamat po," aniya pa.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe para sa kaniya ang misis na si Jessy Mendiola.