May 15, 2025

Home BALITA Internasyonal

Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'

Mexican beauty influencer na binaril habang naka-live stream, biktima ng 'femicide?'
Photo courtesy: Valeria Marquez (IG)

Ikinasindak ng mga netizen, lalo na ang followers ng 23-anyos na Mexican beauty content creator na si Valeria Marquez ang karumal-dumal na pagpanaw, na nasaksihan pa ng mga tagasubaybay niya dahil naganap ito habang nagsasagawa siya ng livestream sa isang social media platform.

Ayon sa mga ulat, habang naka-live ang content creator na kilala sa pagtatampok ng iba't ibang beauty at make-up products, isang lalaki raw ang biglang pumasok sa beauty salon sa city of Zapopan na kaniyang pinagtatrabahuhan, at dito na raw siya pinaulanan ng bala hanggang sa mamatay.

Hindi naman tinukoy sa mga ulat ang pangalan ng suspek na namaril sa biktima at kung ano ang motibo nito.

Subalit lumulutang na maaaring biktima raw si Valeria ng "femicide" na talamak daw ngayon sa bansang Mexico.

Internasyonal

Pope Leo XIV, may Instagram na: 'Peace be with you all!'

Ang femicide, na isang gender-based violence, ay intensyonal na pagpatay, pananakit, o pang-aabuso sa isang babae dahil sa kaniyang gender.

Ayon sa ulat ng United Nations (UN) Women na mababasa sa kanilang website, sa bawat 10 minuto, may napapatay na babae ng kaniyang partner o sa isang pamilya, noong taong 2023.

Pagbibigay-kahulugan nila sa femicide, "Femicide (or feminicide, as it is referred to in some contexts) is defined as an intentional killing with a gender-related motivation."

"It is different from homicide, where the motivation may not be gender-related," anila pa.

Paliwanag pa nila, "Femicide is driven by discrimination against women and girls, unequal power relations, gender stereotypes or harmful social norms."

"It is the most extreme and brutal manifestation of violence against women and girls which occurs on a continuum of multiple and related forms of violence, at home, in workplaces, schools or public spaces, including intimate partner violence, sexual harassment and other forms of sexual violence, harmful practices and trafficking."

Sa latest report umano ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC) at UN Women, ang femicide daw ay nangyayari saanmang panig ng daigdig.

"While there has been growing awareness and public outcry against these killings, much more needs to be done to prevent violence against women, stop its escalation, provide adequate services to survivors and punish perpetrators," anila pa.

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga awtoridad kung bakit nga ba pinaslang ang nabanggit na content creator.