Isang "awkward moment" ang nangyari sa kasagsagan ng press conference ng Department of Energy, Huwebes, Mayo 15, tungkol sa power supply matapos makaranas ng "brownout."
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin Business, habang nagsasalita si Energy Secretary Popo Lotilla at tinatalakay ang tungkol sa pagkakaroon ng “stable” power supply, biglang nagbrownout o nawalan ng suplay ng kuryente.
Kahit nawalan daw ng mga sindi ng ilaw at mikropono ay nagpatuloy pa rin si Lotilla hanggang sa nagkaroon ulit ng kuryente makalipas ang 10 minuto.
Iniimbestigahan na raw ng kagawaran ang dahilan ng pagkawala ng kuryente.