May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

HS Romualdez, ikinatuwa pagkapanalo ng mga kandidato ng Lakas-CMD: 'A victory of trust!

HS Romualdez, ikinatuwa pagkapanalo ng mga kandidato ng Lakas-CMD: 'A victory of trust!
Photo courtesy: MB file photo

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkapanalo ng ilang mga kandidato sa lokal na posisyon na nasa ilalim ng kanilang partido na Lakas-CMD.

Sa pahayag na inilabas ni Romualdez nitong Miyerkules, Mayo 14, 2025, tinawag niyang “victory of trust” ang kanilang pagkapanalo.

“This is a victory of trust. And with that trust comes a duty to serve with even greater resolve,” ani Romualdez. 

Ayon kay Romualdez, tinatayang nasa 385 na mga nanalong municipal mayors sa buong bansa ang mula sa kanilang partido, 104 naman sa mga kongresista, 24 na city mayor, 23 na city vice mayor, 15 gobernador at isang senador.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Dagdag pa ni Romualdez, patunay lang daw ang kanilang pagkapanalo sa kagustuhan ng taumbayan ng maayos na pamamahala.

“This is not just a win for Lakas-CMD. This is a strong signal from the Filipino people: they want steady hands, clear direction, and leadership that puts service above self,” anang House Speaker.

Sa muli nilang pagkapanalo, ipinagmalaki niya rin na ang kanila raw partido ang tunay na nagkakaisa.

“We are here not just to win elections, but to change lives. This is the strength of a party that stands for unity, development, and real solutions,” aniya.