Sinabi ni ML party-list first nominee Atty. Leila De Lima na tinawagan siya ni House Speaker Martin Romualdez upang alukin kung puwede ba siyang maging isa sa prosecutors ng House Prosecution Panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay De Lima, tinanggap niya ang alok ni Romualdez.
"Got a call from the Speaker just an hour ago. I answered yes to the suggestion/offer to be part of the prosecution panel," ayon kay De Lima.
"I would always be willing, as I said, kung anuman role ang puwede sa akin, na sa tingin ko kaya ko, at magagampanan ko nang katapatan, nang buong katapatan, I will do it," aniya sa isang panayam sa pamamagitan ng video conference.
MAKI-BALITA: De Lima aprub sa alok ni Romualdez, maging prosecutor sa impeachment ni VP Sara
Matatandaang si De Lima ay isa sa mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na sa panahon ng kaniyang administrasyon.