May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sarah Discaya, nagpasalamat sa suporta: 'Maglilingkod pa rin ako'

Sarah Discaya, nagpasalamat sa suporta: 'Maglilingkod pa rin ako'
Photo Courtesy: Sarah Discaya (FB)

Pinasalamatan ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya ang mga Pasigueñong nagbigay ng suporta sa kaniyang kandidatura.

Sa latest Facebook post ni Discaya nitong Martes, Mayo 13, sinabi niyang hindi raw niya makakalimutan ang lahat ng sumuporta at nagtiwala sa kaniya.

“Salamat po sa tiwala at suporta ninyo. Hinding-hindi ko po ‘yan kakalimutan,” saad ni Discaya. “Darating din ang tamang panahon — sa perpektong oras ng Diyos, ibibigay Niya ang panalong hindi lang para sa akin, kundi para sa ating lahat.”

Dagdag pa niya, “Hangga’t may pagkakataon, hangga’t may lakas — maglilingkod pa rin ako. Dahil ito ang panawagan ng puso ko.”

Eleksyon

Bato dela Rosa, nagpasalamat sa natanggap na boto: ‘Sagot ko kayo, itaga n’yo sa bato!’

Matatandaang tinambakan si Discaya ng katunggali niyang si reelectionist Pasig City Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 351,392 na kabuuang boto samantalang siya ay 29,591 lang.

MAKI-BALITA: Vico Sotto at mga kaalyado, wagi sa Pasig