Tagumpay si beauty queen Leren Bautista na makabalik sa puwesto bilang konsehal ng Los Baños, Laguna sa ikalawa niyang termino.
Sa latest Instagram post ni Leren noong Lunes, Mayo 12, pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kaniya at nagtiwala.
“Maraming Salamat LB, para sa pangalawang termino, mas gagalingan pa natin. ” saad ni Leren.
Matatandaang 2022 nang unang tumakbo si Leren sa pagkakonsehal sa ilalim ng Bigkis Pinoy party.
Pero bago pa man ito, iba’t ibang beauty contest ang sinalihan niya tulad ng Miss Universe Philippines at Miss Globe.
Nagtapos si Leren ng Marketing Management sa Colegio de San Juan de Letran sa Calamba, Laguna.