May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya

Bam Aquino, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya
Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Nagpasalamat ang top 2 sa partial at unofficial senatorial race result na si Bam Aquino sa mga bumoto sa kaniya, lalo na sa kabataang botante.

"Para sa bawat kabataan na nais magka-diploma at makahanap ng trabaho;"

"Para sa bawat magulang na nagnanais maiangat ang kanilang mga pamilya;"

"Para sa bawat Pilipinong nagsusumikap at dumidiskarte;"

Eleksyon

Bagong halal na mayor ng Rizal, Cagayan 21-anyos pa lang; vice mayor, nanay niya

"Para sa bawat Pilipino na kumakapit sa katiting na pag-asa araw-araw;"

"PARA SA LAHAT NG PILIPINO,"

"taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat, sa Diyos, at sa taumbayan na nagtiwala at sumandal sa ating pagmamahal sa bayan."

"MARAMING SALAMAT, MINAMAHAL NATING PILIPINAS!" aniya.

Ayon sa Comelec, inaasahang mapoproklama ang mga kandidatong pasok sa top 12 sa weekend.

MAKI-BALITA: Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend