May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Voting precinct sa Maguindanao del Sur, binulabog ng rambol ng kalalakihan

Voting precinct sa Maguindanao del Sur, binulabog ng rambol ng kalalakihan
Photo courtesy: Contributed photo

Ilang kalalakihan ang nagkagulo sa labas ng voting precinct sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong Lunes, Mayo 12, 2025.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang girian matapos umanong tumaas ang tensyon sa pagitan ng kalalakihan sa Buliok Elementary School.

Mapapanood sa nagkalat na video sa social media na nauwi pa sa habulan ang pagtatalo ng mga suspek, dahilan upang magtakbuhan din ang iba pang nakapilang mga botante. Ilang botante rin daw ang napilitang umuwi dahil sa takot na madamay sa gulo.

Samantala, naawat lang ang rambol ng grupo nang mamagitan na ang mga awtoridad. 

Eleksyon

John Arcilla, naispatan bukbuking mesa sa classroom: 'Asan ang budget sa edukasyon?'

Habang sinusulat ang artikulong ito ay hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan ng nasabing gulo.